National News
PNP, pinagbabawalang magpost ng hinaing online; Kumalat na order, biniberipika
Kumakalat ngayon sa social media ang isang order mula sa Philippine National Police (PNP) Region 2 na naguutos sa mga tauhan nito ang pagbabawal magpost at pagkokomento na may kaugnayan sa mga nangyayari sa bansa.
Sa nasabing order, 5 PNP personnel na may ranggong patrolman at police master sergeant ang pinagpapaliwanag kaugnay sa mga post nito sa kanilang mga social media accounts.
Matatandaang, halos sunud-sunod na nagpalabas ng kanilang opinyon at pagkadismaya sa uniporme at kabuuang organisasyon kasunod ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Karamihan sa mga ito ang nagpahayag ng awa sa dating nila commander-in-chief na nagbigay oportunidad na mapataas ang kanilang sahod at mga benepisyo.
Habang ang iba ay tuluyang nagbitiw sa serbisyo dahil sa hindi na makayanan ang sistema sa loob ng kanilang organisasyon.
Samantala, wala pang komento ang PNP kaugnay sa nasabing isyu.
