Connect with us

PNP, pinagbawalang magsalita kaugnay sa nasabat na P9.6-B shabu sa batangas

PNP, pinagbawalang magsalita kaugnay sa nasabat na P9.6-B shabu sa batangas

National News

PNP, pinagbawalang magsalita kaugnay sa nasabat na P9.6-B shabu sa batangas

Humingi na muna ng paumanhin ang Philippine National Police (PNP), dahil tila wala munang mapipiga ang publiko kaugnay sa mahahalagang impormasyon na hawak nila kaugnay ng pagkakasabat ng malaking bulto ng iligal na droga sa Batangas nitong nakaraang linggo.

Paliwanag ng PNP, pinagbawalan sila na maglabas ng impormasyon sa gitna ng kanilang case build up.

Matatandaang hanggang sa ngayon ay palaisipan pa rin sa marami anong kung paraan nakuha ang mga droga, kasama ang proseso ng pagmamanman ay tila kulang na kulang rin.

Gayunpaman, halos iisa lang din ang ikinakanta ngayon ng mga awtoridad ang isang nakabibinging katahimikan.

“I really cannot. Sorry Sir I really cannot give specifics because I’m under strict instruction not to give any more details. Iyan na rin po ang utos ng mga prosecutors for us to refrain from giving too much information so as not to compromise the ongoing case build up,” ayon kay Chief, PNP-PIO, Col. Jean Fajardo.

Matatandaang, mismong si Pangulong Bongbong Marcos ay humingi rin ng dispensa na hindi muna sila magbibigay ng anumang impormasyon sa biglaang pagsulpot ng mahigit 1 toneladang shabu na ito.

“Before you start asking questions, sasabihin. Ill warn you na he cannot talk about the operational details, kaya pag bigla kami sasabihin namin na huwag siyang sasagot but it is still ongoing,” pahayag ni Pres. Ferdinand Bongbong Marcos.

Una nang nabatid na hindi lang isang suspek ang maaaring nasa likod ng droga na ito dahilan para bumuo ang PNP ng special investigation task group (SITG) para sa mabilis na pagtukoy sa mga posibleng iba pang suspek at totoong pinagmulan ng naturang malaking kontrbando.

“This is the primary reason why we were requested by the prosecutor not to divulge too much information because on the process of conducting the case build up to establish the ownership ng yacht, ‘yung onwnership ng vehicle, ng mga subject vehicles po natin,” saad pa ni Col. Fajardo.

Sa kabilang banda, tila hindi naman sang-ayon ang kilalang political vlogger na si Sass Rogando Sasot sa patuloy na pananahimik ng mga awtoridad lalo na sa estado ngayon ng driver-suspect na si Al Michael Zarate.

Si Al ang nahuling nagmamaneho ng Foton van sakay ang mahigit na toneladang shabu na galing diumano sa isang yate sa Nasugbu, Batangas.

Sinabi ni Sasot, hindi man lang napag-uusapan ang buhay ng suspek at mga koneksiyon nito sa politika para magkaalaman na kung sino ang nasa likod ng malaking droga na ito.

Matatandaang, hindi lang kay Sass maririnig ang pagkadismaya sa biglaang paglabas ng droga na ito sa Batangas gayundin ang marami sa ating mga kababayan sa social media na tila anila isang malaking palabas lamang ito para pagtakpan ang kapalpakan ng pamahalaan sa iba’t ibang isyu sa lipunan.

Sa pinakahuling impormasyon na ibinigay ng PNP, isang dating sundalo ng Estados Unidos si Zarate.

Umalis sa Pilipinas si Al noong 8 taong gulang pa lamang ito at pumasok sa US Army noong 1997.

Umalis siya sa US Army noong 2005 at umuwi sa Pilipinas noong 2008, nagtayo ng isang fitness center sa Maynila kung saan mga bigating personalidad ang mga kliyente nito.

More in National News

Latest News

To Top