COVID-19 UPDATES
PNP, sasampahan ng kaso ang mang-aabuso sa mga health workers at frontliners laban sa COVID-19
Sisiguraduhin ng Philippine National Police (PNP) na bigyan ng kaukulang parusa ang sinumang mang-aabuso sa mga health workers at frontliners laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ang binigyang linaw ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa isang panayam ng Sonshine Radio matapos mapaulat na may ilang health workers ang nakatanggap ng pananamantala gaya nalang sa insidente na nangyari sa Sultan Kudarat kung saan sinabuyan ito ng bleach.
Grabeeee na gid!!! Grabe na gid ka inhumane ang gina himo! Gin pa abot niyo gid sa point na pati ang isa ka staff namon…
Posted by Earl Sunday N. Perez on Friday, 27 March 2020
Pinapaalalahanan ni Banac ang mga health workers maging ang iba pang frontliners na ipagbigay-alam agad sa PNP kung ito’y nakatanggap ng harassment o pananamantala.