Connect with us

PNP, suportado ang pahayag ng isang ex-PNP chief na walang nilabag ang drug war campaign ng Duterte admin

PNP, suportado ang pahayag ng isang ex-PNP chief na walang nilabag ang drug war campaign ng Duterte admin

National News

PNP, suportado ang pahayag ng isang ex-PNP chief na walang nilabag ang drug war campaign ng Duterte admin

Wala namang nilabag na batas si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naging kampanya nito kontra iligal na droga sa kanyang administrasyon.

Ayon kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Retired Police General Oscar Albayalde, tama ang pagpapatupad ng Duterte administration sa war on drugs campaign para sugpuin ang naturang problema sa lipunan.

Ito ang naging komento ni Albayalde sa gitna ng balitang paghahain umano ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) kay Duterte.

Bukod kay Sen. Ronald Bato Dela Rosa, isa si Albayalde sa mga sinisilip na imbestigahan ng ICC.

Nauna nang sinabi ni Albayalde na malinis ang kanyang konsensya kaya’t handa siyang humarap sa imbestigasyon pero hindi aniya ang ICC ang dapat na magsagawa nito.

Sa ngayon kasi posibleng magkaroon ng pagbabago sa polisiya ng pamahalaang Marcos Jr. kaugnay ng pagpasok nito sa Pilipinas lalo’t hindi naman na tayo miyembro nito.

Sinabi ni PNP Public Information Office (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, suportado ng Pambansang Pulisya ang pahayag ni dating Chief PNP Albayalde.

“Even prior to the President (Rodrigo) Duterte administration, it has always been the policy of the PNP to adhere to the tenettes and letter of intent of our police operational procedures and part of those adherence is the respect for human rights,” ayon kay Chief, PNP-PIO, Col. Jean Fajardo.

Batid rin ng PNP na wala rin silang nakikitang mali sa drug war campaign ni Pangulong Duterte bagamat hindi rin sila nagkulang sa pagbibigay ng patas na imbestigasyon sa mga pulis na ginamit ang kanilang awtoridad para abusuhin ang kanilang kapangyarihan.

“Kung may nalalabag ay hindi ito ipinagwawalang bahala ng PNP. Kung may mga pang aabuso, ang mismong PNP ang nagkakastigo at nagdi-disiplina po sa ating mga pulis po at ‘yung sinabi ng ating dating Chief PNP (Gen. Oscar Albayalde) ay he is in the best position to express those statements because being a former chief PNP ay siya mismo ang nagbibigay mismo ng mga utos sa ating mga kapulisan na sumunod at huwag labagin kung ano ‘yung mga nakalagay sa ating police operational procedures at hanggang ngayon naman po ay ‘yun po ‘yung ating sinusunod,” dagdag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top