Connect with us

PNP, susundin ang major event security framework sa unang SONA ni PBBM

PNP, susundin ang major event security framework sa unang SONA ni PBBM

National News

PNP, susundin ang major event security framework sa unang SONA ni PBBM

Susundin ng Philippine National Police (PNP) ang nakalatag na nilang major event security framework sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Ito ang tiniyak ni PNP Director of Operations Police Major General Valeriano de Leon sa panayam ng Sonshine Radio.

“Wala nang bago diyan, paigtingin na lang natin basta mag-coordinate tayo sa operations group ng bagong presidente para magkaroon tayo ng mga adjustments ayon sa kanilang magiging instructions,” ani De Leon.

Subalit sinabi naman ni De Leon na sa kabila ng pagkakaroon nila ng security framework, makikipag-ugnayan pa rin sila sa operations group ni PBBM sakaling may kaunting pagbabago na ninanais ang bagong pangulo.

Nakatakda naman ngayong buwan ng Hulyo ang unang State of the Nation Address ni PBBM.

More in National News

Latest News

To Top