Connect with us

PNP, tinawag na “law breaker” kasunod ng pagdaan ng convoy umano ni Marbil sa busway

Tinawag na "law breaker" ni Atty. Salvador Panelo ang PNP, partikular ang mataas na opisyal na dumaan sa EDSA Busway

National News

PNP, tinawag na “law breaker” kasunod ng pagdaan ng convoy umano ni Marbil sa busway

Tinawag na “law breaker” ni dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang Philippine National Police (PNP), partikular ang mataas na opisyal na dumaan sa EDSA Busway nang walang koordinasyon sa DOTr-SAICT.

Nangyari ito noong Martes ng gabi, Pebrero 25, 2025, kung saan nakuhanan pa ng video ng Team GOLF SAICT ang sinasabing convoy ni Chief PNP Rommel Francisco Marbil—isang alegasyon na itinanggi ng tagapagsalita ng PNP.

Ayon sa PNP, may mahalagang aktibidad na dadaluhan ang opisyal sa Kampo Crame, kaya’t kinakailangan nitong mabilis na makarating gamit ang EDSA Busway.

Sinabi naman ni Atty. Panelo na maaari lamang dumaan sa EDSA Busway ang ibang sasakyan, bukod sa awtorisadong bus, kung nasa bingit ng kamatayan ang sakay. Aniya, ang simpleng pagdalo sa isang aktibidad ay hindi maituturing na emergency.

Sa pananaw ng abogado, dapat sampahan ng reklamo ang nasabing opisyal ng PNP dahil sa paglabag na ito.

Gayunpaman, sa isang memorandum sa pagitan ng PNP, MMDA, at DOTr, iginiit ng PNP na exempted sila sa regulasyong ito kung lehitimo ang kanilang pakay.

Kabilang sa mga exempted na sasakyan ang mga ambulansya, firetrucks, at mga opisyal na sakay ng Pangulo, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, at Chief Justice ng Korte Suprema.

Sa kabila ng isyu, pumayag naman ang convoy na magbayad ng violation ticket mula sa insidente.

More in National News

Latest News

To Top