National News
PNP, tiniyak ang pagresolba sa kaso ng pagpatay sa opisyal ng LTO Central Office
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na malulutas nila sa lalong madaling panahon ang kaso ng pagpatay sa isang opisyal ng LTO Central Office noong 1 linggo.
Ito’y kasunod ng pagkakaaresto ng suspek na nakilala matapos mahulog ang beltbag nito kung saan nakita ang OR/CR ng kanyang motorsiklo.
Sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, nakilala ang suspek sa alyas na Danny nang masukol ito ng binuong Special Investigation Task Group ng QCPD.
Sa ngayon iniimbistigahan pa ng PNP ang motibo sa krimen at inaalam kung ito’y may kinalaman sa trabaho o’ personal na alitan at kung ang suspek ay miyembro ng Gun for Hire Group.
Magugunitang nasawi ang biktimang si Mercedita Gutierrez, Registration Section Chief ng LTO Central Office habang sakay sa kanyang SUV sa Brgy. Pinyahan, Quezon City noong Biyernes matapos pagbabarilin ng suspek na sakay ng motorsiklo.
