Connect with us

PNP, titiyakin na bibigyan ng kaukulang parusa ang mga ECQ violators

PNP, titiyakin na bibigyan ng kaukulang parusa ang mga ECQ violators

COVID-19 UPDATES

PNP, titiyakin na bibigyan ng kaukulang parusa ang mga ECQ violators

Titiyakin ng Philippine National Police (PNP) na makukulong ang lahat ng mga pasaway sa direktiba ng enhanced community quarantine.

Ito’y kinumpirma ni PNP Lt.Gen. at Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Guillermo Eleazar sa isang panayam ng Sonshine Radio.

Ayon kay Eleazar, dulot ng pagtaas ng bilang ng mga naaresto na mga violators at mga na-inquest, titiyakin na umano ng himpilan nilang bigyan ng leksyon ang mga indibidwal na matitigas ang ulo.

“Sorry nalang dun sa mga na-inquest natin through online inquest. Kaya nakakulong sila at ‘di natin alam kung kailan sila makakapyansa.”

Ani Eleazar, magiging leksyon sana ito sa publiko at huwag pang magtangkang gawin ang paglabag ng protocol.

“So ito po ay magsilbi sanang namatinding warning sa ating mga kababayan. Ngayon pa lang sinasabi naming sa inyo na kung kayo’y pasaway at kayo’y naaresto namin, ay yan po ang kahihinatnan nyo. Nakakulong kayo. So sana po ay magisip-isip kayo at sumunod po sa guidelines at patakaran”

Sa kabuoan, umabot na sa 115, 000 ang naaresto ng PNP kung saan 27, 000 dito ang nasampahan ng kaso.

PNP, inilunsad ang mobile checkpoint para tiyakin na sinusunod ng mga bumibiyaheng sasakyan ang social distancing

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang mobile checkpoint o Oplan Habol na siyang magtitiyak kung sinusunod ng mga bumibiyaheng sasakyan ang social distancing.

“Kinausap po natin ang highway patrol group na simula po ngayong araw na ito, meron po silang mobile checkpoint o Oplan Habol. Group of riders po yan. Tingnan nila kung saan maraming sasakyan at pagmay ma-escortan sila na more than one ang sakay ng sasakyan, hahabulin nila at i-check kung authorized ang mga nandun.”

Sinuman umanong makitaang hindi authorized ay huhulihin nila o bigyan ng violation ticket.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top