Connect with us

PNP, walang bagong kaso ng COVID-19

Nananatili sa 48,868 ang kumpirmadong bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

National News

PNP, walang bagong kaso ng COVID-19

Nananatili sa 48,868 ang kumpirmadong bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay ito sa datos ng PNP Health Service ngayong Lunes, Mayo 23, 2022 matapos na walang maitalang bagong kaso ng sakit.

Isa naman ang bagong gumaling kaya umabot na sa 48,737 ang mga nakarekober sa coronavirus.

Habang 129 ang mga binawian ng buhay sa laban sa COVID-19.

Nasa 2 ang aktibong kaso o kasalukuyang nagpapagaling sa pulisya.

Samantala, umabot na sa 220,568 PNP personnel o 98.70 % ang mga nabigyan ng booster shot bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top