Connect with us

PNP, walang nakitang ‘proof of life’ sa dinukot na American vlogger

Batay sa pahayag ng Philippine National Police (PNP), wala pang indikasyon hanggang ngayon na nakatawid na mula Basilan at Sulu ang mga dumukot ng isang American vlogger ngunit wala rin silang 'proof of life' sa naturang foreigner.

National News

PNP, walang nakitang ‘proof of life’ sa dinukot na American vlogger

Hindi pa nakatawid mula Basilan at Sulu ang mga dumukot ng American vlogger na si Elliot Eastman sa Sibuco, Zamboanga del Norte.

Batay sa pahayag ng Philippine National Police (PNP), wala pang indikasyon hanggang ngayon na nangyari ito ngunit wala rin silang ‘proof of life’ sa naturang foreigner.

Mahigpit naman anilang nakikipag-ugnayan sa isa’t isa ang Police Regional Office 9 at Police Regional Office-Bangsamoro maging ang binuong Critical Incident Management Task Group (CIMTG).

Anila, titiyaking hindi makalalabas sa Zamboanga del Norte ang mga kidnapper.

Dinukot ang American vlogger gabi ng Oktubre 17, 2024.

Sa ulat, isinakay ito ng kidnappers sa isang bangka papuntang Basilan at Sulu.

Nagpapatuloy pa ang PNP sa pag-iimbestiga kung ano ang pinaka-motibo ng pagdukot subalit sa mga vlog ng dayuhan ay sinabi na nito na hindi sya nagugustuhan sa mga taga-roon.

More in National News

Latest News

To Top