Connect with us

“Poblacion girl”, nahaharap sa 1-6 buwang pagkakulong

“Poblacion girl”, nahaharap sa 1-6 buwang pagkakulong

National News

“Poblacion girl”, nahaharap sa 1-6 buwang pagkakulong

Nahaharap ang tinaguriang “Poblacion girl” na si Gwyneth Anne Chua sa 1 – 6 na buwang pagkakulong o multang mula P20,000 – 50,000.

Ito ay kung mapatunayang nagkasala siya sa ilalim ng RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act dahil sa pag-iwas sa mandatory quarantine kontra COVID-19.

Kahapon, pormal na kinasuhan ng CIDG sa Makati Prosecutor’s Offfice si Chua at walong iba pa.

Kinilala ang iba pang respondent sa kaso na sina Allan Chua at Gemma Chua, mga magulang ni Gwyneth; Rico Atienza, nobyo ni Gwyneth.

Gayundin sina Gladiolyn Biala, manager ng Barjaya Hotel Makati; Den Sabayo, assistant resident manager; Tito Arboleda, security manager; Esteban Gatbonton, security/doorman; at Hannah Araneta, front desk.

Hindi naman kinasuhan ng CIDG ang mga close contact ni Chua pero hinihikayat sila na maghain ng reklamo laban sa dalaga.

More in National News

Latest News

To Top