National News
POGO cases vs. Alice Guo, ililipat sa Pasig ayon sa DOJ
Pinagbigyan ng Korte Suprema ang hiling ng Department of Justice (DOJ) na ilipat sa Pasig City mula Tarlac ang POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) cases ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa isa pang pahayag, sinabi ng DOJ na sasampahan na ng kasong qualified human trafficking ngayong linggo si Guo.
Ito’y matapos makitaan ng probable cause ang reklamong inihain ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban sa kaniya.
Maliban kay Guo ay sasampahan rin ng kaso ang sinasabing kasosyo nito sa negosyo kabilang na si Huang Zhiyang o ang tinukoy ng PAOCC na “boss ng lahat ng boss” ng mga iligal POGO.