Connect with us

POGO, ipinadedeklara bilang National security threat

POGO, ipinadedeklara bilang National security threat

National News

POGO, ipinadedeklara bilang National security threat

Hinihikayat na ni Sen. Sherwin Gatchalian si Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ideklarang National security threat ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Kung maideklara na aniya itong isang banta, may kapangyarihan na ang pangulo na ikansela ang existing licenses ng POGO at mapipigilan na rin ang pagbibigay pa ng mga lisensya sa hinaharap.

Kasunod ang panghihikayat sa nadiskubre ng senador na hindi makita kung saan galing ang tinatayang P6.1-B na pondo para sa konstruksyon ng POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Ani Gatchalian, pinatawag nila ang ilang representatives ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa isang executive session noong Miyerkules, June 5.

Sinabi ng AMLC, wala silang ma-detect na money flow hinggil sa konstruksyon.

Ibig sabihin, hindi nila mai-trace kung sino ang nagpalabas at tumanggap ng pondo.

Mapapansing ang POGO hub sa Bamban ay isang 10-hectar property.

Mayroon itong shopping mall, condominiums at nasa 37  iba pang buildings.

More in National News

Latest News

To Top