Connect with us

Pokus ng Senado kay Mayor Guo, nakasisira ng kanilang imahe – civic leader

Pokus ng Senado kay Mayor Guo, nakasisira ng kanilang imahe – civic leader

National News

Pokus ng Senado kay Mayor Guo, nakasisira ng kanilang imahe – civic leader

Tinuligsa ni Kaisa Para Sa Kaunlaran Co-Founder Teresita Ang See ang pagtutok ng Senado sa pagkatao ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Lalong-lalo na sa ginagawang imbestigasyon nila hinggil sa kontrobersyal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban.

Ani Ang See, nakasisira sa imahe ng Senado ang ginagawa nilang personal na mga pang-aatake kay Guo.

Nauna nang sinabi ni Guo na isa siyang Pilipino at hindi siya spy gaya ng mistulang pinaniniwalaan ng mga senador na kasama sa imbestigasyon.

Unang lumutang ang pangalan ni Guo nang napaulat na posibleng sangkot sa surveillance at hacking incidents sa mga website ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang kumpanyang Zun Yuan Technology Inc.

Ang Zun Yuan Technology Inc. ay isang POGO na nakabase sa Baofu compound sa Bamban, Tarlac na sinalakay ng mga awtoridad noong isang buwan dahil sa pagkakasangkot nito sa malawakang scamming.

More in National News

Latest News

To Top