International News
Poland, nagsagawa ng state burial para sa 700 biktima ng Nazis
Nagsagawa ng state burial ang Poland para sa mahigit 700 biktima ng mass executions ng Nazi Germany noong World War II.
Ang mga ito ay nadiskubre sa Chojnice simula taong 2021 hanggang 2024.
Dumalo sa naturang event nitong Lunes, Setyembre 1 ang ilang mga opisyal ng bansa.
Matatandaang ang Nazi Germany ay isang German state noong 1933 hanggang 1945 noong kinokontrol pa ng diktador na si Adolf Hitler at ng Nazi Party ang buong bansa.
Ang labi ng mga biktima na nadiskubre sa Poland ay tinataya namang magkahiwalay na pinatay noong taong 1939 at 1945.