Connect with us

Police official, inaresto dahil sa paglabag sa liquor ban sa Caloocan

21 indibidwal sa Pangasinan, arestado dahil sa price manipulation

Metro News

Police official, inaresto dahil sa paglabag sa liquor ban sa Caloocan

Inaresto ng kanyang mga kabaro ang isang  police official sa Caloocan dahil sa paglabag sa liquor ban ng lungsod.

Kinilala ang pasaway na pulis na si PLt. Arnel Ancheta, 41 taong gulang at miyembro ng Police Security and Protection Group.

PLt. Arnel Ancheta

Ayon sa NCRPO, nagugat ang pagaresto sa police official kasama ang isang Bonie Dubriea Francisco, 32 taong gulang, nang makatanggap ng sumbong ang Caloocan PNP mula kay Brgy Chairman Dacles.

Ito’y may kaugnayan sa umano’y paglabag sa extended enhanced community quarantine  hinggil sa liquor ban sa ilalim ng isang City Ordinance.

Dagdag pa ng report, nangyari ang iligal na ginawa ng pulis sa Block 32, Lot 10, Semilia st. Brgy.12 Caloocan City kaninang ala-1 ng hapon.

Nakita umano ng mga barangay tanod ang suspek na lasing at nasa inflatable pool sa gitna ng kalsada sa naturang lugar.

Nang ito ay kanilang lapitan, nagsabi ang isa sa kanila na “tanod lang kyo, pulis ako, sagot ko kayo” dahilan upang nagpasaklolo na sila sa pulisya.

Saad pa ng report ng otoridad, nang dumating na sa lugar ang mga arresting officer nakita nila ang mga suspek na langong-lango sa alak kung kaya’t kanila itong inaresto.

Muli namang iginiit ni Metro Manila police chief Debold Sinas na kahit alagad ng batas ay hindi “exempted” sa batas

“Nobody is excused from the laws being implemented especially as we face this health crisis. The internal cleansing effort of the PNP subsists despite the stringent  call of duty we carry in the frontlines. May this serve as a warning to other erring cops out there that we will not be linient on you in any way once you are caught violating existing laws,” sabi ni Sinas.

More in Metro News

Latest News

To Top