National News
Political commentator, nabobobohan kay Marbil
Nabobobohan ang isang political commentator kay Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil matapos niyang tanggalan ng police security detail si Vice President Sara Duterte.
Walang patumpik-tumpik ng komento ng political commentator at beteranong journalist na si Jay Sonza kay Marbil.
Aniya, “Kahit sa mga opisyal ay marami pa ring matitino, isa lang rito ang bobo eh – itong si Marbil.”
Ipinagtataka ni Sonza kung bakit sa isang source lamang kinuha ni Marbil ang kinakailangan niyang bilang ng pulis para punan ang sinasabi niyang kakulangan sa pwersa ng pulisya sa Metro Manila.
Aniya pa, “Hindi ko alam kung ginagamit pa niya utak niya, o mahinang klaseng heneral lang ito, 75 ang kailangan mo, alisan mo lang ng bodyguard tig-iisa bawat congressman. Kasi under the VIP security dala-dalawa’yano apat. Isa lang, mayroon ka nang 300, so sobra pa’yun sa 75. Kung ginamit lang kaunti ‘yung utak at common sense ni Marbil; kaya ako hindi ko matawag na heneral ‘to kaya hanggang patrolman lang talaga maximum na’yung SPO10.”
Mababatid na sa isang open letter ni Vice President Sara kay Marbil, itinuturing nito na isang political harrassment ang ginawa ng Pambansang Pulisya sa kaniya.
At dahil nga sa sobrang pamumulitika ayon sa isang dating opisyal ng NTF-Elcac na si Dr. Lorraine Badoy, nalalagay sa panganib ang buhay ni Vice President Duterte.
“What I’m seeing right now, is sobra ‘yung pamumulitika that even the vice president, her life is being put in danger by this Marbil. Pinull-out niya ‘yung security ng vice president, and the vice president came out with a very clear statement about it,” saad nito.
At ang nakakatakot pa ani Badoy ay ang klase ng liderato na mayroon si Marbil, “So, ‘yung nakakatakot, the vice president said in her statement, ‘yung quality ng leadership, sinungaling si Marbil. Diba? Nagsisinungaling siya.”
Para sa KOJC legal counsel Atty. Dinah Tolentino, lumalabas na hindi na pinoprotektahan ng Pambansang Pulisya ang pangalawang pangulo at tanging mga taga-Armed Forces of the Philippines na lamang ang pumoprotekta kay VP Sara.
Tanong nito, “So what does that say about the PNP? Are they still protectors of the people, when their motto is supposed to be ‘To protect and to serve’? So now, who are they protecting? Who are they serving?”
Sinabi naman ng SMNI Anchor Yna Mortel na sa panahon ngayon, nagagamit na lang ang mga pulis ng kanilang amo na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang instrumento nito sa political harassment.
“Lumalabas lang po talaga mga kababayan itong men in uniform natin na dati ay matatawag nating honorable ay ngayon ay nagiging instrumento nalang po sila ng political harassment ng ng kanilang amo na wala naman tayong ibang nakikita kundi si Marcos Jr. na hindi naman niya talaga prayoridad na tulungan ang ating mga kababayan o paunlarin ang ating bansa kundi pabagsakin ang mga Duterte at ang lahat po ng kanilang mga kaalyado kaya’yun po ang kanilang playbook kung mapapansin niyo,” ani Mortel.
Sa gitna ng mga panggigipit ng Pambansang Pulisya hindi lang sa KOJC at kay Pastor Apollo C. Quiboloy kundi maging kay Vice President Duterte, may hamon naman ni Sis. Eleanor Cardona ang Executive Secretary ng The Kingdom of Jesus Christ sa Armed Forces of the Philippines.
“Hahayaan na lang ba ng ano nung mga military natin ang mga panggigipit, hindi lang sa KOJC ngunit pati po kay VP Sara. Yes, kasi diba kung ano ang nangyayari sa atin ngayon. So, hahayaan pa ba natin ‘yung mga pulis ng PNP, panggigipit. So, we are calling on sa atin pong military kung ano ba?”
May paalala naman si Yna Mortel laban sa mga nasa likod ng panggigipit kay VP Sara.
“Gusto nating ipaalala, lalo kay Marbil, Abalos, kay Torre na hindi po kayo binoto ng mga mamamayang Pilipino, kayo po ay appointed lang, si VP Sara Duterte, 32M Filipinos po ang nagbigay ng tiwala sa kanya na kung tratuhin niyo ay para bang kayo ang may-ari ng gobyerno na ginagamit niyo ang kapangyarihan para pagsilbihan ang sarili ninyong interes.”
Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta ay ang mga OFW na handang mag-ambagan para sa sweldo ng security team ni VP Sara.
Dalawampung volunteers sa kada tribo naman ng labing isang tribo ng Davao City ang handang bantayan ang pangalawang pangulo.
Nagpahayag din ng kahandaan na protektahan si VP Sara ang MNLF-Davao state chairman na si Monk Aziz.