Connect with us

Political persecution, pambababoy sa hustisya — Atty. Roque

Political persecution, pambababoy sa hustisya — Atty. Roque

National News

Political persecution, pambababoy sa hustisya — Atty. Roque

Mariing kinondena ni Atty. Harry Roque ang kasong qualified human trafficking na isinampa laban sa kanya ng Department of Justice (DOJ), na tinawag niyang tahasang pambababoy sa criminal justice system ng bansa.

Giit ng dating presidential spokesperson, malinaw na bahagi ito ng sistematikong panunupil ng administrasyong Marcos Jr. laban sa mga personalidad na konektado kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pormal nang sinampahan ng DOJ ng kasong qualified human trafficking si Atty. Harry Roque dating tagapagsalita ng Malacañang at kilalang kaalyado ni dating Pangulong Duterte.

Bagama’t aminado si Roque na ikinalungkot niya ang naging hakbang ng DOJ, hindi raw ito nakakagulat para sa kanya.

Sa halip, itinuturing niya itong bahagi ng mas malawak na kampanyang pampulitika na layong patahimikin at gipitin ang sinumang bumabatikos o hindi kakampi ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon pa kay Roque, ang kaso laban sa kanya ay may direktang ugnayan sa kontrobersyal at umano’y “viral pulvoronic video” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sinasabing nagpapahiwatig ng kahinaan ng liderato ng punong ehekutibo, “Ito po ay inaasahan ko na bilang bahagi ng panunupil sa aking karapatan at pagpahirap sa mga kaalyado ni President Rodrigo Roa Duterte. Uulitin ko po ang pinagmulan ng lahat nito ang kanilang panggigipit sa akin ay dahil diyan sa pulvoronic video na ako raw ang napapakalat.”

Giit pa ni Roque, bagama’t siya’y pinasasampahan ng kaso, nagagalak siya na nailabas ang naturang video na aniya’y nagsisiwalat ng katotohanang kailangang sagutin ng Pangulo.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Roque na pinilit umano ng DOJ ang mga piskal na isama siya sa reklamo, “Ang pagsampa po ng kaso sa akin ay isang afterthoughts. Sa supplemental complaint lang po ako idinawit. Para bagang narealize nila na noong nalaman nila na akoy nasa abroad hindi nila ako mapapauwi, hindi nila makacancel ang aking passport sa pamamagitan lamang ng warrant of arrest mula sa Kongreso.”

Tinuligsa rin ni Roque ang umano’y kabagalan ng DOJ sa pag-aksyon sa complaint affidavit ng PNP, na inabot ng halos 4 na buwan lagpas sa itinakdang 90-day rule.

Bagama’t naiintindihan niya ang pressure sa mga piskal, iginiit niyang wala umanong sapat na ebidensya laban sa kanya, “Malinaw po na hindi lang man naipakita na ako ay gumawa ng kahit anong elemento ng trafficking at malinaw po na wala ring ebidensiya na nagpapatunay na mayroon pong conspiracy, kaya nga po sinabi ko na isa sa pa sa mga karagdagang kasalanan ng Marcos administraion ay yung pangbababoy ng ating criminal justice system.”

Dahil dito, naniniwala si Roque na may matibay siyang batayan para sa kanyang hinihiling na asylum bilang biktima ng unjust prosecution na aniya’y anyo ng political persecution, “Hindi po ako pugante, ako po ay isang bonafide asylum seeker. At ang karapatan naman na humingi ng asylum ay aking isang karapatan bilang mamamayan ng mundong ito.”

More in National News

Latest News

To Top