Connect with us

Political strategist, natuwa sa maayos na operasyon ng NBI 11 sa KOJC compound

Political strategist, natuwa sa maayos na operasyon ng NBI 11 sa KOJC compound

National News

Political strategist, natuwa sa maayos na operasyon ng NBI 11 sa KOJC compound

Pinatunayan ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 11 na pwede namang maisilbi ng mga otoridad ang anumang warrant laban sa mga akusado sa isang maayos at payapang paraan.

Matatandaan na nitong Agosto 9 taong kasalukuyan muling isinilbi ng NBI 11 ang warrant of arrest laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy at iba pang akusado sa KOJC compound sa Davao City.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na pumunta sa mga religious compound ang NBI 11 ngunit wala sa mga nasabing lugar ang kanilang mga hinahanap patunay na nagsasabi ng totoo ang mga KOJC members na matagal na silang walang komunikasyon sa butihing pastor.

Maliban ditto, pinatunayan din ng NBI 11 na ang pagsasagawa ng search operation sa loob ng nasabing religious compound ay hindi aabutin ng 1 buwan taliwas sa gustong mangyari ni Nick Torre ng PRO 11.

Dahil sa payapa at maayos na pamamalakad ng NBI 11, hindi maitago ng isang propesor at political strategist ang kanyang tuwa dahil sa panahon ngayon ng Martial Law ay mayroon pa ring mga mabubuting alagad ng batas

Sa panayam ng SMNI News kay Profesor Malou Tiquia, dahil sa ginawa ng NBI 11, maaari silang gawing modelo lalo na sa pagsisilbi ng warrant of arrest.

  “Ito magiging modelo ito eh paano ba tayo mag execute ng warrant of arrest so ako nagagalak na merong ganito hindi ko alam kung inaayos na nila ang tungkulin nila.”

Base sa revised rules of criminal procedure Rule 113 Section 2, nakasaad na hindi kailangan ng dahas o puwersa para magsagawa ng pag-aresto.

Para kay professor Malou Tiquia, marami nang nilabag na batas ang PNP sa patuloy nilang pangha-harass sa KOJC.

 “Maling-mali ang PNP alam mo andaming operational errors na nangyari diyan sa KOJC from the attact to the raid to the illegal search at tsaka ‘yong pagma-man nila ng checkpoints biro mo nakatakip ka wala kang pangalan hindi po tayo nasa stado ng martial law hindi po tayo police state tayo ay civillian so again inilalagay natin yan sa hapag ng ng namumuno sa pamahalaan na ito dahil maling-mali po yang ginagawa nyo.”

Hindi rin niya lubos maisip kung bakit sa Davao City itinutuon ng PNP ang kanilang atensyon gayong mas maraming malalaking problema ang dapat na tutukan ng kapulisan.

 “2ndly why select Davao City? I mean I dont unserstand that there are so many problem areas if you’re going to follow si Marbil sinabi nya ‘yong police to population ratio ay tignan ho natin sa Metro Manila marami ho tayong problema dito ‘yon nalang mga nawawalang bata hindi ba ‘yan problema ‘yong pagtaas ng illegal drugs hindi ho ba ‘yan problema?”

Sa kabuuan sinabi ni Tiquia na ginagamit ngayon ng Marcos administration ang PNP bilang private army at wala na aniyang ginawa ang kasalukuyang administrasyon kundi ang labagin ang karapatan ng mga Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top