Connect with us

Political vlogger, tinawag na NPA ang PNP

Political vlogger, tinawag na NPA ang PNP

Metro News

Political vlogger, tinawag na NPA ang PNP

Tinawag na NPA ng isang political vlogger ang Philippine National Police (PNP) dahil sa patuloy na pananakot ng kapulisan sa mga manggagawa’t myembro ng Kingdom of Jesus Christ.

Ang naturang pang-aabuso ng kapulisan ay personal na nasaksihan ng mga political vlogger at anchors ng SMNI na sina Coach Oli, Boss Dada at Banat By o mas kilala sa tawag na Banateros.

Sinabi ni Boss Dada na hindi over-acting ang nakikita ng publiko sa social media na pagbabantay ng KOJC members sa mga religious compound nito 24 oras umulan man o umaraw.

Ani Boss Dada, “Noong dumating kami dito personal naming na-experience yong arrogance ng mga pulis na nanjan sa tapat ng Kingdom of Jesus Christ sa mga hindi taga Davao baka akala nyo nago-over react lang yong mga tao dito hindi, hindi nyo nakita harap-harapan yong mga mata ng mga tao na nagbabantay dito sa labas traumatized po sila para ipagtanggol ang tahanan nila.”

Ayon naman kay Coach Oli, ang administrasyon ni Bongbong Marcos ay walang accountability dahil kung meron man aniya ay dapat noon pa may nagresign na sa gabinete nito.

Para naman kay Banat By, dahil sa ginagawang pag-abuso sa kapangyarihan ng PNP, tinawag nito na mga NPA ang mga pulis,“Ang sa tingin ko po sila po’y NPA as in Nyor Police Abuser kasi ina-abuse na po nila ang kanilang kapangyarihan na tila pananakot na hindi na protect and serve.”

Kasunod nito ay binigyang-diin ni Banat By sa publiko na kaya ito ginagawa ng mga walang utang na loob na nasa gobyerno ay upang magtanim ng takot sa mga Pilipino para hindi sila batikusin o kalabanin sa mga katiwalian na kanilang ginagawa sa sambayanan.

Sa huli hinikayat nito ang mga Pilipino na makiisa na labanan ang mapang-abusong administrasyon ni Bongbong Marcos.

 

More in Metro News

Latest News

To Top