Connect with us

Political Vloggers, masayang nakiisa sa kaarawan ni Pastor ACQ

Political Vloggers, masayang nakiisa sa kaarawan ni Pastor ACQ

Kingdom News

Political Vloggers, masayang nakiisa sa kaarawan ni Pastor ACQ

Puno ng sawayan, makukulay na kasuotan, masasarap na pagkain at napakasayang pagdiriwang.

‘Yan ang bumungad sa political vloggers na dumalo sa birthday celebration ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ngayong taon.

Gaya ng mga nagdaang pagdiriwang, ang mga kabataan pa rin ang pangunahing beneficiaries sa birthday bash ng butihing pastor.

Kaya ang mga vlogger, break muna sa hard-hitting commentaries at mga isyu sa politika at nagpakain muna ng mga bata sa feeding program ni Pastor Apollo.

Kasama rin sila sa gift-giving kung saan namigay ng mga laruan at regalo sa mga kabataang bisita.

“Grabe, nakakamangha at nakaka-bilib ‘yung nasaksihan ko… ng Bisdak Pilipinas sa birthday ni Pastor Apollo C. Quiboloy,” ayon kay Political Vlogger, Bisdak Pilipinas.

Ang Vlogger na si Pambansang Loyal, nakita ang pagiging loyal ni Pastor Apollo sa mga kabataan.

Kaya maging siya, hindi makapaniwala sa mga aktibidad na kaniyang sinalihan.

“Una kong nakasaksi sa ganitong paghahanda sa isang kaarawan na imbes na siya ang handugan eh siya po ang nag-handog para sa mga kabataan. Maliwanag po sir na ang kaniyang loyal (loyalty) sa mga kabataan ay totoong pina-iiral niya po,” ayon naman kay Political Vlogger, Pambansang Loyal.

Wala man si Pastor Apollo sa kaniyang pa-birthday ngayong taon, ay damang-dama naman presensya ng butihing pastor sa puso’t diwa ng milyon-milyong KJC workers at members sa buong mundo.

Bakas ang pagkasabik na makita ang butihing pastor sa hinaharap at ipagpatuloy ang pagpapakalat ng kabutihan sa kapwa.

“First ko po itong na-experience… salamat pastor! First time ko ring napanood ang ganitong klaseng mga sayaw. Dito lang pala matatagpuan sa iyong kingdom,” saad ni Political Vlogger, VMR Youtube Vlog.

“Sana kung ganito lang sana ‘yung isang pinuno, ‘yung lider ng bansa natin… mag seminar kay Pastor Apollo Quiboloy kung paano niya matuturuan ng magandang pagpapalakad ‘yung nation building talaga. Kinakailangan mag-seminar kay pastor para matutunan niya kung paano magpalakad ng isang bansa,” saad naman ni Political Vlogger, Buster TV.

“First time po naming maka-experience ng ganito na hindi naming inaasahan sa mga buhay namin,” pahayag ni Political Vlogger, Brothers Traveler.

“Alam niyo napakalapit sa akin nun kasi ayun ‘yung dating mga ginagawa ko noong panahon na nagcha-charity ako kaya sobrang natuwa gawa ng sobrang dami ng mga batang natutulungan at napakain ni Pastor Apollo C. Quiboloy,” pahayag naman ni Political Vlogger, Jay Guevarra.

Pagkatapos ng feeding program, ang Banateros Brothers naman o ang tambalang Coach Oli, Boss Dada TV at Banat By ang bumida sa cultural dance contest sa selebrasyon.

Sila ang nag-silbing hurado sa pasiklaban ng mga katutubong sayaw na masayang sinalihan ng mga kabataan at adult contigents.

“Hindi inaalis ‘yung kultura. Ipinapasa sa mga Pilipino, nakakatuwa kasi talagang ano eh ‘yung pagmamahal sa bansa,” pahayag pa ni Political Vlogger, Banat By.

Aminado naman ang Banateros na nahirapan sila sa pagpili ng mananalo dahil lahat ay mahusay.

Sa kabuuan ng selebrasyon ay nagpasalamat ang mga bisitang vlogger sa paanyaya ni Pastor Apollo.

Kasabay ng pagpapaabot ng kani-kanilang personal na mensahe sa butihing pastor.

‘‘’Yung una pa pong kita natin dito sa Kingdom of Jesus Christ, kakaiba na po ‘yung na-experience kong spiritual life. Alam ko po Pastor na ang lahat ng nangyayari ngayon sa Kingdom of Jesus Christ at sa inyo ay malalampasan po ninyo ito. Bigyan pa po kayo ng malusog na pangangatawan… more years to come sa inyong buhay. Upang marami pa po kayong matulungan,” ani Bisdak Pilipinas.

“Pastor, nandidito lang po kami. Hindi po kami magbabago. Higit sa lahat, patuloy po kaming susuporta sa iyo. Hanggang kailan man matapos itong mga pag-aakusa sa inyo. Hindi po naming kayo iiwan pastor,” ani Pambansang Loyal.

“Pastor, isa pong kakaiba dahil hindi lang po ikaw ang basta’t masaya lang nito. Marami ka pong pinasaya, lalo na po mga bata at hindi lang po dito sa Pilipinas ngunit sa buong mundo,” ani VMR Youtube Vlog.

“Pastor, binabati kita ng maligayang kaarawan at sana marami kapang matulungan at marami kapang mapasaya at nawa mas maging malakas pa ang iyong pangangatawan at humaba pa ang iyong buhay para marami kapang misyon na dapat gampanan sa mundo,” ani Buster TV.

“Pastor, happy happy birthday! More birthday to come and God will guide you and give you strength,” ani Brothers Traveler.

“Pastor, kung nasaan kaman ngayon ingat ka palagi. Maraming-maraming salamat. Sobra kaming nag-enjoy,” ani Jay Guevarra.

“Pastor, kahit hindi tayo masyadong nag-aano… We love you kasi basta ayun…I see the love. Thank you… Marami kang natulungan. Kapit-kapit po. Kapit,” ani Coach Oli.

“Ikaw si Pastor Apollo C. Quiboloy walang impossible sayo. So happy Birthday, salamat… Napaka-saya ng experience ng Banateros Brothers at lahat po ng mga kasama nating vloggers na nandidito sa Kingdom para maki-celebrate,” ani Boss Dada.

“Laban lang pastor. Tandaan mo lang ang Romans 8:28; In all things, God works for good for those who loved him and called according to his purpose. God has a purpose for you alam ko medyo mahirap. Pero diba si Job nga eh, lahat dinanas niya pero eventually bumalik times 2 ‘yung pagpapala. Kapit lang dahil darating ang panahon na makikita ng taumbayan kung sino ang totoo at sinong hindi,” ani Banat By.

More in Kingdom News

Latest News

To Top