Connect with us

Political will, kailangan ng susunod na MMDA Chairman

Political will, kailangan ng susunod na MMDA Chairman

National News

Political will, kailangan ng susunod na MMDA Chairman

Sa isang esklusibong panayam kay Atty. Romando Artes, chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), inilahad nito na kinakailangan ng political will ng susunod na chairman ng MMDA.

“Dito sa MMDA, sa laki ng sasakupan at sa laki ng metro wide services na under our jurisdiction, hindi mo kayang i-please lahat ng tao. May magagalit, may hindi matutuwa,” ani Artes.

Aniya, sa dinami-dami ng hamong kahaharapin ng bagong chairman, kinakailangan nitong maging matatag.

Inilahad di ni Artes na isa pa rin ang trapiko sa mga problemang bibigyang solusyon ng susunod na administrasyon bagama’t may mga polisiya at programa nang naipatupad ang MMDA.

“Kung mapapansin n’yo po, dati pag nag-alas-sais, alas-otso hanggang alas-diyes ng gabi, traffic, ngayon po, may certain hours nalang po of the day. During rush hour, doon nagkaka-traffic pero other wise medyo maluwag naman po at maluwag naman po ‘yung average speed natin lalong-lalo na po sa edsa, and i think isa na po sa nakatulong jan ay ‘yung sa bus carousel,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni Artes na dapat maipagpatuloy at mas mapaganda pa ang mga programang nakatulong sa pag-paayos ng trapiko sa Metro Manila kabilang ang bus carousel program.

Hangad din ng chairman na mabigyan ng pondo ng susunod na administrasyon ang planong elevated walkway at bike lane na makatutulong aniya sa trapiko sa EDSA.

Tiniyak ni MMDA Chairman Romando Artes na sa natitirang isa at kalahating buwan, mas pagbubutihin pa nila ang pagbibigay ng mga basi services mula sa ahensya.

More in National News

Latest News

To Top