Connect with us

Pondo para sa COVID-19 response, tinaasan pa ng DOF nang hanggang P1.491-T

National News

Pondo para sa COVID-19 response, tinaasan pa ng DOF nang hanggang P1.491-T

Dinagdagan pa ng Department of Finance (DOF) ang pondong inilaan para sa response ng pamahalaan.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na mula sa dating himigit kumulang P1.71 trillion, ginawa na nila ito na P1.491 trillion para sa laban kontra COVID-19.

Ayon kay Dominguez, katumbas ng naturang halaga ang nasa walong porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong nakaraang taon.

Ang naturang halaga ay gagamitin sa iba’t ibang programa na nakadisenyo para tulungan ang mga napapabilang sa most vulnerable sectors.

Ilan sa mga programang ito ay nasimulan nang maipatupad kasunod nang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Bayanihan to heal as one act.

 

More in National News

Latest News

To Top