COVID-19 UPDATES
Pondong nalikom ng FDCP, ipamamahagi para sa mga film workers na apektado ng ECQ
Umabot na sa P20-Million ang nalikom na pondo na pantawid-buhay ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa ilang mga manggagawa sa showbiz industry na naapektuhan ng lockdown dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa chairman ng FDCP na si Liza Dino, nagsimula na ang FDCP ng pagproseso sa mga aplikasyon ng kanilang Disaster Emergency Assistance and Relief (DEAR).
Aniya, nasa 70% na mga manggagawa na freelancer o film workers na kumikita lamang kapag may trabaho lalo na ang ‘no work no pay’.
Aabot naman sa 2,500 na mga manggagawa sa local showbiz industries ang makikinabang sa nasabing programa.
Matatandaang March 20 ay inanunsyo ng FDCP na magbibigay sila ng finacial assistance para sa mga film workers na apektado ng enhanced community quarantine.