Connect with us

Portugal pinadapa ang Ghana sa 2022 FIFA World Cup sa iskor na 3-2

Portugal pinadapa ang Ghana sa 2022 FIFA World Cup sa iskor na 3-2

Sports

Portugal pinadapa ang Ghana sa 2022 FIFA World Cup sa iskor na 3-2

Makasaysayan ang naging laban ng Portugal laban sa Ghana sa nagpapatuloy na 2022 FIFA World Cup.

Ito ay matapos padapain ng rank no. 9 na Portugal ang rank no. 61 na Ghana sa score na 3-2 sa laro nitong Nobyembre 25.

Sa unang bahagi ng laban ay nahirapan maka-goal ang parehas na koponan.

Ngunit sa pagpasok ng 2nd half, umarangkada si Portugal forward star Cristiano Ronaldo sa 61st minute matapos mabigyan ng penalty kick at makasipa sa goal nito.

Pero agad din bumawi ang Ghana sa pagpasok ng 73 minuto.

Naitabla ng Ghana sa 1-1 ang laban matapos maipasok ni Andre Ayew ang goal.

Mabilis namang bumawi ang Portugal na nag-iinit na harapan dahil sa loob ng 7 minuto ay magkasunod na naipasok ng goal nina Joao Felix at Rafael Leao at maitala ang 3-1 na kalamangan.

Matapos naman ang halos 10 minuto ay agad gumanti ang Ghana sa pamamagitan ni Osman Bukari upang ilapit ang score sa 3-2, ngunit bigo nang maitabla ang puntos at naselyohan na ang panalo ng Portugal laban sa Ghana sa Group H ng 2022 FIFA World Cup.

Samantala, sumipa nanaman ng panibagong record si football star Christiano Ronaldo ng Portugal. Si Ronaldo na ang kauna-unahang football player na nakapuntos sa 5 nagdaang World Cup.

Nakakuha ang football star ng 65-minute penalty sa Group H match para idagdag ang Qatar 2022 FIFA World Cup edition sa mga nagdaang World Cup na kanya ring nai-skor noong 2018 sa Russia, 2014 sa Brazil, 2010 sa South Africa and 2006 sa Germany.

Matapos ang laban sa pagitan ng Portugal at Ghana, ay sumunod naman ang Brazil at Serbia na nauwi sa score na 2-0.

Umiskor si Richarlison sa 2nd half at tuluyan nang nilampaso ng Brazil ang Serbia para makuha ang 2-0 score sa Group G, Lusail Stadium Qatar.

Kahit bigo na mabasag ang depensa ng Serbia sa loob ng mahigit 1 oras, kalaunan ay naka-puntos si Richarlison ng 2 beses sa loob ng 9 na minuto, na siyang nagdala ng tagumpay para sa Brazil.

Continue Reading
You may also like...

More in Sports

Latest News

To Top