Connect with us

Posibleng ‘global food crisis,’ pinaghahandaan na ng DA

Posibleng ‘food crisis’ sa bansa, pinaghahandaan na ng DA

National News

Posibleng ‘global food crisis,’ pinaghahandaan na ng DA

Pinaghahandaan na ng Department of Agriculture (DA) at mahigpit na mino-monitor ang posibleng food crisis.

Ito ang inihayag ni DA Secretary William Dar sa Laging Handa Public Briefing.

Aniya, ang naturang food crisis ay gawa ng COVID-19 pandemic, Russia-Ukraine war at ang pagtataas ng presyo ng petroleum.

“Alam ninyo, ang mundo ngayon ay mayroon tayong mino-monitor na looming food crisis  at marami na ring eksperto ang nagsasabi na there is a looming food crisis.  Tayo naman sa Kagawaran ng Pagsasaka ay handa tayo, kasi mayroon na tayong plano, directional plan to handle these big challenges,” ani William Dar.

Kaya naman bilang paghahanda, ibinahagi ni Dar na pinakahuling inilunsad ng DA ang National Agriculture and Fisheries Modernization and Industrialization Plan (NAFMIP).

Kung paano matutugunan ng naturang programa ang isyu ng food security sa bansa, sabi ng kalihim mayroong tatlong stages na ikinokonsidera.

“Now, ano ho ang parte ng plano? Itong plano na ito is to consider three stages – iyong rebooting Philippine agriculture towards recovery and growth, iyong resilient and sustainable agriculture – iyon po ang nilalaman ng National Agriculture and Fisheries Modernization and Industrialization [Plan],” dagdag pa ng kalihim.

Ibig sabihin, ani Dar, sakaling dumating man ang food crisis, ay nakahanda ang bansa.

Gayunpaman, hinihingi lang ng kalihim ang dagdagan ang pondo ng ng Department of Agriculture para matutugunan ang focused areas.

Ito ay tulad na lamang ng ‘Plant Plant Plant Program Part 2, kagaya ng pamimigay ng DA ng fertilizer subsidy

Bukod dito, kasama rin sa focused areas ang urban and peri-urban agriculture; ang local feed production;  food mobilization; at aquaculture and fisheries.

Sa parte naman ng mamamayan, dapat paghandaan ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagtatanim, pag-aalaga ng hayop at mangisda.

“Kasi kagaya dito sa urban areas, kung may paraan na madadagdagan natin iyong mga production ng ating mga magsasaka at mga mangingisda ay we also have to do it, tayong mga mamamayan, mga ‘plantito/plantita,” saad pa ni Dar.

Samantala, pinapataas din ng DA ang ani ng mga magsasaka at saka ang huli ng mga mangingisda.

Sabi pa ng DA, mayroong nakatutok dito katuwang ang local government units para sa talagang pagtaas sa level of food production.

 

More in National News

Latest News

To Top