Connect with us

Posibleng paghain ng apela ng DOJ para sa Jemboy Baltazar case, naipaabot na sa SolGen

Posibleng paghain ng apela ng DOJ para sa Jemboy Baltazar case, naipaabot na sa SolGen

National News

Posibleng paghain ng apela ng DOJ para sa Jemboy Baltazar case, naipaabot na sa SolGen

Nagkausap na sina Justice Secretary Crispin Remulla at Solicitor General Menardo Guevarra para sa posibleng pag-akyat sa Court of Appeals (CA) ng naging hatol ng Navotas Regional Trial Court (RTC) sa kaso ng pagpaslang sa menor de edad na si Jemboy Baltazar.

Plano ng Department of Justice (DOJ) na maghahain muna ng motion for reconsideration sa Navotas RTC Branch 286 at kung ito ay hindi pagbibigyan ay saka iaakyat sa CA sa tulong ng Office of the Solicitor General.

Sinabi rin ni Remulla na maaaring iakyat din nila ang apela sa Korte Suprema.

Sinabi naman ni Solicitor General Menardo Guevarra na pag-aaralan nila ang mga case records para malaman ang paghahain ng petition for certiorari ang nararapat na hakbang.

Matatandaang sa desisyon ng korte ng Navotas, hinatulan lang sa kasong homicide si Police Sgt Gerry Maliban mula sa kasong murder habang guilty sa kasong illegal discharge of firearms ang 4 na iba pang akusadong pulis.

Habang ang 1 pulis naman ang pinawalang sala ng korte.

Una na ring nanawagan ang pamilya ni Jemboy na mabaliktad pa ang desisyon ng korte at mahatulan ng mas mataas na sentensya ang mga akusado.

More in National News

Latest News

To Top