Connect with us

Posibleng paglikas ng mga residente sa Lungsod ng Maynila dulot bagyo,nakahanda na

Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno sa Social Welfare and Disaster Risk Reduction and Management Office  na ilagay sa hight alert ang lungsod

Metro News

Posibleng paglikas ng mga residente sa Lungsod ng Maynila dulot bagyo,nakahanda na

Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa Social Welfare and Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMO)  na ilagay sa hight alert ang lungsod habang patuloy pa rin ang pagdadala ng bagyong Quinta ng malakas na  pagbuhos ng ulan sa Metro Manila.

Kasabay nito ay ipinag utos din ng alkalde sa Department of Engineering and Public Works (DEPW) at sa  Department of Public Services (DPS) ang agarang pag de-clog sa mga imburnal at pag alis ng mga basura partikular na sa mga lugar  na madaling bahain sa lungsod .

Ayon kay Mayor Isko upang  maiwasan ang posibleng pag baha hindi lamang sa mga pangunahing lansangan kundi sa mga maliliit na kalsada sa mga residential areas.

Gayunpaman  ipinag utos  na rin ni Domagoso sa MDRRMO ang paghahanda sa tauhan at equipment nito sakaling magkaroon ng evacuation dulot ng bagyo.

Sa ngayon ang MDRRMO ay nakapag lagay na rin evacuation site sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo Manila.

Samantala kaugnay nito patuloy namang tiniyak ng Manila LGU ang Manila Bay at Baseco beach.

Simula kaninag umaga ay nagsagawa na rin ng clean up at hauling operations ang ang DPS team Mandaragat at DPS Baseco Beach warriors.

Sa kasalukuyan, ayon sa MDRRMO, normal ang lebel ng tubig sa Baseco beach at Isla puting bato.

More in Metro News

Latest News

To Top