Connect with us

Posisyon na Pres’l Chief of Staff, hindi na kailangan – Atty. Jimeno

Posisyon na Pres’l Chief of Staff, hindi na kailangan – Atty. Jimeno

National News

Posisyon na Pres’l Chief of Staff, hindi na kailangan – Atty. Jimeno

Hindi na kailangan ang posisyon na Presidential Chief of Staff.

Ito ay base sa pahayag ni Atty. Karen Jimeno, dating undersecretary ng Presidential Management Staff at host ng ‘The Deep Probe’ sa panayam ng Sonshine Radio.

Ani Jimeno, naka-depende pa rin ito sa desisyon ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

No description available.

Sa katunayan pa aniya, marami nang mga posisyon sa gobyerno na nasa ilalim ng Office of the President ang hindi nagtatagal dahil hindi na ito kailangan.

Kabilang dito ang private office, executive office na pinamumunuan ng executive secretary, Presidential Management Staff at Special Assistant to the President.

Posible ring magkaroon ng gulo dahil mayroon ng pinuno ang presidential management staff.

Pinaliwanag din ni Atty. Jimeno na kung kailangan magbigay ng posisyon sa isang tao ay doon na lamang sa mga existing na posisyon at huwag ng gumawa pa ng iba.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top