Connect with us

Positibong epekto ng extended probationary period para sa mga manggawa, dapat ikonsidera – Rep. Singson

Section

Positibong epekto ng extended probationary period para sa mga manggawa, dapat ikonsidera – Rep. Singson

Umapela si Probinsyano Ako Partylist Rep. Jose “Bonito” Singson Jr. sa kaniyang mga kasamahan sa Kongreso at sa Department of Labor and Employmet (DOLE) na ikonsidera ang positibong epekto ng House Bill 4802 o ang panukalang 2-year probationary period para sa mga manggagawa.

Ayon kay Singson, kapwa makikinabang dito ang mga employer at employee dahil sa pinalawig na sa dalawamput apat na buwan (24 months) ang probationary period mula sa kasalukuyang anim na buwan (6 months) lamang.

Kung pagbibigyan raw ang panukala, mapapahaba ang trabaho ng isang non-regular worker at mas tataas ang panahon nito na makumbinsi ang isang employer na tanggapin ang empleyado bilang regular. Masusugpo din ng panukala ang ”endo” o ang end of contract practice kung saan ang mga bagsak sa standards na mga manggagawa ay mawawalan ng trabaho.

Nilinaw naman ni Singson na ang probationary period lamang ang nais pahabain ng panukala at hindi nito hinahadlangan ang isang employer na gawing regular ang manggagawa sa loob 2-year probationary period.

Samantala, pinabulaanan naman ng kongresista na anti-poor ang panukala at iginiit na hindi nito nilalabag ang security of tenure provision sa ilalim ng 1987 Constitution.

Aniya, batay sa Article 296 ng Labor Code, may security of tenure ang mga probationary workers sa loob ng termino nito na anim na buwan na siyang pinahaba ng 2-year probationary period bill.

Bukod diyan, mapapahaba din ang coverage ng mga benepisyong matatanggap ng mga non-regular workers gaya ng SSS/GSIS, PhilHealth, at Pag-Ibig dahil mas mahaba na kanilang probationary period.

Sa huli, ngayong balik sesyon na ang Kongreso, kumpiyansa si Singson na maliliwanagan ang lahat ng sektor na bumabatikos sa kaniyang panukala kapag natalakay na ito sa Committee on Labor and Employment kasabay ng pagtitiyak na bukas ang kanilang tanggapan sa anumang suhestyon para sa ikakaganda ng labor sector ng bill.

Mj Mondejar

More in Section

Latest News

To Top