Metro News
Power rate ng Meralco, posibleng bababa ngayong buwan
Posibleng bababa ang power rate ng Meralco (Manila Electric Company) ngayong buwan.
Sa pahayag ni Meralco Vice President at Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga, bagamat tatanggapin pa nila ang final billings mula sa kanilang supplier, nakikita nilang may pagbaba sa power rates dahil sa mababang generation costs.
Kasama rin sa rason ang mababang consumer demand noong nakaraang buwan.
Noong Agosto ay matatandaang tumaas ang power rate ng Meralco dahil sa mataas na transmission charge.