Connect with us

PPCRV, target matapos ang manual counting ng boto sa May 20

PPCRV, target matapos ang manual counting ng boto sa May 20

National News

PPCRV, target matapos ang manual counting ng boto sa May 20

Target ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na mapadali nila ang pagbibigay ng resulta mula sa kanila para sa 2022 Elections.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay PPCRV Director for Legal Affairs at Spokesperson Atty. Vann dela Cruz, sinabi nya na hanggang May 20 lang sila mananatili sa KBP Command Center sa UST.

Dahil dito, umaasa na rin sila na matatapos na nila ang pagbibilang sa araw na ito sa tulong na rin ng mga volunteer.

Ang PPCRV ay siyang nagsasagawa ng manual counting sa mga boto noong eleksyon.

“Kami po ay nasa UST, yes command center, dito sa aming PPCRV-KBP command center hanggang May 20, ‘yan po ang aming schedule po dito.  Ngayon po, nakakatuwa kasi dumadagsa po ang dami ng volunteers na gustong tumulong sa amin. At sa aming tala, napapabilis po, ‘yun amin pong pagbilang. Of course, kailangan po namin ‘tong ipagbangga kung gaano kabilis dumarating ‘yung mga election returns,” ani Dela Cruz.

Sa huli, pinapasalamatan naman ng PPCRV ang lahat na volunteers nila dahil sa tulong na ambag nito lalong-lalo na para mapanatag ang publiko na ligtas at hindi nadaya ang kanilang mga boto.

More in National News

Latest News

To Top