Connect with us

Prangkisa ng TV5, maaaring ma-revoke — Atty. Gadon

Maaaring maging sanhi ng revocation o denial ng anumang renewal ng kanilang prangkisa ang pakikipag-merge ng TV5 sa ABS-CBN.

National News

Prangkisa ng TV5, maaaring ma-revoke — Atty. Gadon

Maaaring maging sanhi ng revocation o denial ng anumang renewal ng kanilang prangkisa ang pakikipag-merge ng TV5 sa ABS-CBN.

Ayon kay Atty. Larry Gadon sa panayam ng Sonshine Radio, may bahid na ng paglabag ang ABS-CBN hinggil sa foreign ownership and control ng kanilang network.

Kung sisilipin, nakasaad sa batas na dapat mga pilipino lang ang magiging may-ari ng isang broadcasting network dito sa Pilipinas.

At dahil nga nag-merge na ng ABS-CBN at TV5, mababahiran na ang huli ng pera mula sa mga banyaga.

Sa naturang joint venture ng dalawa, nalabag na naman ang batas kaugnay sa pagkuha ng prangkisa lalong-lalo na ang ABS-CBN dahil hindi nito ginalang ang tamang proseso.

Iilan lang ito sa mga inisa-isa ni gadon na mga nalabag sa kasalukuyan ng ABS-CBN at TV5.

Sa huli, sinabi ng law expert na hindi dapat makalimutan ang nauna nang violations ng ABS-CBN dahil marami pa itong hindi nabayaran na penalties.

More in National News

Latest News

To Top