Showbiz
Pre-pageant activities ng Miss Universe Philippines 2020, kinansela dahil sa COVID-19
Kinansela na muna ang week-long pre-pageant activities ng Miss Universe Philippines (MUP) 2020 dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Inanunsyo ni MUP Creavite Director Jonas Gaffud sa isang online interview, na-ipagpapaliban muna nila ang week-long activities ng kompetisyon para sa kaligtasan ng lahat.
Kabilang sa kinanselang aktibidad ng MUP ay ang mga seminars at charity events ng mga kandidata.
Sa kabila nito, hindi pa inuurong ng MUP ang nakatakdang petsa ng coronation night ng pageant na naka-schedule sa May 3.
Ito ang kauna-unahang taon kung saan ipapasa ang Miss Universe Philippines Title na wala sa pangangasiwa ng Binibining Pilipinas.
Nasa 51 beauty queens ang maglalaban-laban ngayong taon upang masungkit ang Miss Universe Philippines Crown at umaasang susunod sa yapak nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.