Connect with us

Pres. BBM sa mga Pilipino: Ang pangarap n’yo ay pangarap ko

Pres. BBM sa mga Pilipino: Ang pangarap n'yo ay pangarap ko

National News

Pres. BBM sa mga Pilipino: Ang pangarap n’yo ay pangarap ko

Pormal nang umupo ngayong araw bilang ika-17 Pangulo ng bansa si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

At sa kanyang inaugural speech kaninang tanghali, hiyawan ang salubong ng mga taga-suporta sa kanya.

Sa kaniyang talumpati, binalikan ni Pangulong Marcos ang karanasan niya sa nagdaang campaign period.

Sa kabila ito ng mga paninira laban sa kanya at kaniyang pamilya.

“By your vote, you rejected the politics of division. I offended none of my rivals in this campaign. [cheers and applause] I listened instead to what they were saying and I saw little incompatibility with my own ideas about jobs, fair wages, personal safety, and national strength and unending want in a land of plenty,” ani Pres. BBM.

Ayaw ng bagong Pangulo sa negative campaign.

At ngayong pormal na siyang nakaupo, tiniyak niya sa lahat ng mga nakalaban sa pulitika na ito maghihiganti.

“I am here not to talk about the past. I am here to tell you about our future. [cheers and applause] A future of sufficiency, even plenty of readily available ways and means to get done what needs doing by you, by me. We do not look back but ahead,” dagdag pa ng punong ehekutibo.

Prayoridad ng bagong pangulo ang pasiglahin ang ekonomiya ng bansa na matinding naapektuhan ng pandemic.

Nais din niyang matiyak ang food sufficiency at pagpapanumbalik ng sigla sa sektor ng agrikultura.

Pati na ang problema ng bansa sa enerhiya, edukasyon, trabaho at ang pagpapatibay ng pandemic response.

Tututukan din ng bagong administrasyon ang problema sa pulusyon at climate change.

“We are here to repair a house divided, to make it whole and to stand strong again in the bayanihan way expressive of our nature as Filipinos. We shall seek, not scorn dialogue; listen respectfully to counter reviews; be open to suggestions coming from hard thinking and unsparing judgment but always from us Filipinos,” saad pa ni Pres. Marcos.

Aminado naman si Pangulong BBM na matindi ang naging political divide sa nakaraang eleksyon.

“Sa pangarap na maging mapayapa ang ating bansa, ang pangarap niyo ay pangarap ko. [cheers] Sa pangarap na maging maunlad ang ating bansa, ang pangarap niyo ay pangarap ko. [cheers] At sa pangarap na maging mas masinag ang kinabukasan natin at ng ating mga anak, ang pangarap niyo ay pangarap ko.’ [cheers and applause],” saad pa ni PBBM.

Sa kabila ng malalaking hamon na kanyang kakaharapin, kumpiyansa si Marcos na mapagtatagumpayan niya itong lahat.

Ani Marcos, tiwala siya sa galing at pagkakaisa ng mga Pilipino na samahan ang pamahalaan na harapin ito.

“And if you ask me why I am so confident of the future? I will answer you, simply, that I have 110 million reasons to start with, such is my faith in the Filipino. [applause] Believe. Have hope. The sun also rises like it today and as it will tomorrow. And as surely as that, we will achieve the country all Filipinos deserves. God bless the Philippines, God bless our work,” paglalahad pa ng Chief Executive.

 

More in National News

Latest News

To Top