Connect with us

Pres. Duterte, bababa sa pwesto na pinaka-popular na pangulo matapos ang EDSA I – Publicus Asia Survey

Pres. Duterte, bababa sa pwesto na pinaka-popular na pangulo matapos ang EDSA I – Publicus Asia Survey

National News

Pres. Duterte, bababa sa pwesto na pinaka-popular na pangulo matapos ang EDSA I – Publicus Asia Survey

75% na approval rating ang nakuha ni Pang. Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling survey ng Publicus Asia.

Sa isinagawang survey ng Publicus Asia sa 1,500 respondents mula June 16-22 taong kasalukuyan, lumalabas na 75% sa kanila ay ‘approve’ o ‘strongly approve’ sa performance ni Pang. Duterte sa nakalipas na halos 6 na taong termino nito.

No description available.

 

Ayon kay Aureli Sinsuat, ang executive director ng Publicus Asia, dahil sa resulta ng naturang survey ay si Pang. Duterte ay naging pinakapopular na outgoing president mula post-EDSA 1 era.

“Our numbers indicate that President Rodrigo Duterte will leave office as the most popular president of the post-EDSA I era. No other president who served under the 1987 Constitution has ended his or her term with majority approval and trust ratings, much less a supermajority of public support,” ayon pa ni Atty. Sinsuat.

 

No description available.

75% rin sa survey ang nagsasabi na may malaking impact sa bansa ang Duterte Administration kumpara sa nakalipas na mga administration pagkatapos ng EDSA I.

Sa 2nd quarter survey ng Publicus, pumapangalawa sa pinakamataas na impact rating si Pang. Noynoy Aquino na may 27%, pangatlo si Pres. Fidel V. Ramos na may 24%, Pres. Gloria Macapagal Arroyo na may 22%, 20% naman si Pres. Cory Aquino habang 14% naman ang nakuha ni Pres. Erap Estrada.

“The data suggest that public sentiment on the policy achievements of the Duterte administration is exceptionally positive, especially in comparison to previous administrations,” sabi pa ni atty. Sinsuat.

More in National News

Latest News

To Top