Connect with us

President Elect Donald Trump, tatapusin ang EDCA ─ Ex-Presidential Consultant

President Elect Donal Trump, tatapusin ang EDCA ─ Ex-Presidential Consultant

National News

President Elect Donald Trump, tatapusin ang EDCA ─ Ex-Presidential Consultant

Naniniwala ang isang dating presidential consultant na tatapusin ni US President-elect Donald Trump ang mga EDCA bases sa kagustuhan nito na makamit ang kapayapaan sa buong mundo.

Inihayag ito ng dating presidential consultant na si Jose Alejandrino sa eksklusibong panayam ng SMNI News matapos tanungin kung ano ang magiging epekto ng pagkapanalo ni Trump bilang pangulo ng Amerika.

“And so, what will happened to EDCA? My guess is that Trump will end EDCA,” saad nito.

Naniniwala rin siya na sa oras na makausap ni Trump ang presidente ng China hindi na magkakaroon ng silbi ang mga EDCA bases.

Binigyang din nito na dahil sa pagkapanalo ni Trump naging malinaw na mali ang naging foreign policy ng kasalukuyang administrasyon

“And Trump reaches an accommodation with China. I foresee that those EDCA bases will no longer be needed and what Bongbong left with? An empty hand he has made wrong choices in the realm of foreign policy and so now he will have face the consequences.”

Kaya dapat aniya na bumalik ang Pilipinas sa pagiging neutral at independent gaya ng ginawa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“So, I’m hopeful that we will eventually will have to return to the policy of neutrality and an independent foreign policy that Digong, former president Rodrigo Duterte initiated.”

Tungkol naman sa tanong kung igigiit ng Pilipinas na manatili ang mga base militar ng mga Amerikano, ani Alejandrino, “You know then what Trump will do as it has already announced at Taiwan if you insist America defending you, you have to pay for it and it will cost you several billion dollars a year.”

Sa huli, sinabi ni Alejandrino na bagamat hindi pa ito natutupad pero sigurado siya sa isang bagay na hindi suportado ni Donald Trump ang pagkakaroon ng giyera.

“This is my own analysis, and we’ll have to see what Trump does but what I do know is that Trump is determined to close down the us bases abroad bring the troops home reach a peaceful accomodation with Russia and China to attain global peace he wants to end all wars im not gonna support any war.”

Matatandaan na isa sa mga pangako ni President Elect Donald Trump noong kampanya ay ang makamit ang kapayapaan sa buong mundo.

Dahil ditto, inaasahan ng marami na matatapos na ang nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng bansang Russia at Ukraine at maging sa ibang bansa.

Kaugnay nito, kanyang ipinakita na siya ay seryoso sa kanyang pangako matapos na lumabas ang impormasyon na nagkaroon ng pag-uusap sa telepono sina President Trump at ang presidente ng Russia na si Vladimir Putin.

Ayon sa report, sa naturang phonecall umano inabisohan ni Trump si Putin na ‘wag nang dagdagan pa ang giyera laban sa Ukraine.

More in National News

Latest News

To Top