National News
Presidential Adviser Larry Gadon, hindi na puwedeng umapela sa Korte Suprema
Hindi maaaring tumanggap ng apela ang Korte Suprema kaugnay sa hatol nitong guilty kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon dahil sa kasong gross misconduct.
Sa desisyon ng Supreme Court ay pinatawan si Gadon ng disbarment o pagtanggal ng lisensya bilang abogado at pinamumulta pa siya ng P150-K.
Nag-ugat ang kaso matapos lumabas sa imbestigasyon ng Integrated Bar of the Philippines na ilang beses nagsinungaling at gumamit ng mga hearsay na ebidensya si Gadon sa impeachment case ng nuon ay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Pero dahil nauna ng na-disbar si Gadon ay hindi na ito kailangang ipatupad pa, sa halip ay pinagbabayad na lamang siya ng multa.
