Connect with us

Presidential aspirant na sangkot umano sa katiwalian, sinisilip ng PNP

Presidential aspirant na sangkot umano sa katiwalian, sinisilip ng PNP

National News

Presidential aspirant na sangkot umano sa katiwalian, sinisilip ng PNP

Patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng Philippine National Police (PNP) sa umano’y presidential aspirant na sangkot sa sinasabing katiwalian.

Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People na may kandidato sa pagka-pangulo ang tiwali.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, kasama ito sa ginagawang background checking ng pulisya upang malaman ang mga pinasok na transaksyon ng kandidato.

Kaugnay sa presidential aspirant na gumagamit umano ng cocaine, sinabi ni Carlos na wala pa silang nakukuhang ebidensya sa kandidato.

Pero patuloy aniya ang ginagawang imbestigasyon ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

More in National News

Latest News

To Top