National News
Presidential candidate Ernesto Abella, nag-concede na
Nagconcede na ngayong Huwebes, ika-12 ng Mayo sa presidential race ang dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Ernesto Abella.
Sa official statement, sinabi ni Abella na nirerespeto nila ang resulta ng halalan.
Kinilala rin ng kampo ni Abella si dating Senador Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-labing pitong pangulo ng Pilipinas.
Una nang tumanggap ng pagkatalo sina presidential candidates Isko Moreno, Manny Pacquiao, Ping Lacson at Ka Leody de Guzman.
