Breaking News
Presidential Sec. Harry Roque, dinala sa ospital dahil sa COVID-19
Kinumpirma ni Presidential Secretary Harry Roque na dinala ito sa ospital para gamutin sa COVID-19.
Sa pahayag ng kalihim, kailangan itong gawin para maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na ngayong mas nakahahawa ito.
Gayunman, gagawin pa rin ni Roque ang pag-aanunsyo sa magiging quarantine classification ng National Capital Region Plus Bubble na napagkasunduan ng ginawang pagpupulong ng IATF ngayong araw.
Humiling naman ng dasal ang kalihim para sa lahat ng nagkasakit ng COVID-19 sa bansa maging sa buong mundo.
Matatandaan na una nang nagpositibo sa coronavirus si Roque noong nakaraang buwan.
