Connect with us

Presumptive VP Sara Duterte, may patama sa mga ayaw sa ROTC program

Presumptive VP Sara Duterte, may patama sa mga ayaw sa ROTC program

National News

Presumptive VP Sara Duterte, may patama sa mga ayaw sa ROTC program

Halo-halo ang reaksyon ng netizens sa balita na si Presumptive Vice President Sara Duterte ang hahawak sa Department of Education (DepEd).

Lalo na at pabor ang mayora ng Dabaw sa pagpapanumbalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ang iba kasi, nangangamba na baka ibalik ni Mayor Sara ang ROTC sa DepED.

Pero sa kanyang local radio show sa Dabaw, may patama ang Mayora sa mga takot sa military training.

“With regard to ROTC and the Department of Education. ROTC and Department of Education – remind lang ko sa tanang mga bright that the Department of Education is all about basic education plus ALS. It has nothing to do with ROTC,” ani Mayor Inday.

Ipinaliwanag naman ng susunod na bise-presidente kung bakit DepEd ang nakuha niyang posisyon.

Lalo pa’t naunang lumutang ang posibilidad na hawakan niya ang Department of National Defense (DND).

Pero bakit nga DepEd ang kinuha ni Mayor Sara?

 “Kung naminaw mo sa akoa during the campaign tulo raman gyud tong ginabalik-balik nako wala man jud nagbag-o ang atoang message sa atoang  mga kaigsuunang Filipinos no. Tulo rajud ang atong gisulti, unang-una ang mga trabaho nga nawala tungod sa pandemya. Ika-duha, de-kalidad nga edukasyon and tulo mapayapang pamumuhay.”

TAGALOG TRANSLATION:

“Kung nakinig ka sa akin during the campaign, tatlo lang naman talaga ang paulit-ulit kong sinasabi at hindi nagbago ang ating mensahe sa mga kapatid na Pilipino. Tatlo lang talaga ang ating sinabi. Unang-una ang dekalidad na trabaho na nawala dahil sa pandemya. Pangalawa, de-kalidad na edukasyon at pangatlo mapayapang pamumuhay,” paglilinaw ng mayora.

“Secretary Briones already announced that there is medium term plan that they are following under the administration of President Duterte. And we intent to sit-down with the team of Secretary Briones on this one after the proclamation. So gahulat ta sa proclamation. (So, naghihintay tayo sa proclamation.) So that duna ta’y personality nga mulingkod dinha ug makig-istorya sa ilaha sa endorsements and transition of administration sa Department of Education. (Para meron tayong personality na uupo diyan at makikipag-usap sa kanila sa endorsements and transition of administration sa Department of Education.) Once we get that, we go back to President Marcos and ask him and present to him ang direksyon ng Department of Education and ask him if he is amenable if he wants to improve on it,” dagdag pa ni Mayor Inday.

Sinabi naman ni Mayor Sara na hindi ito makiki-alam kay BBM sa appointment ng mga cabinet secretary.

Aniya, ang gabinete is a position of trust kaya hindi siya makiki-alam sa selection process.

 

More in National News

Latest News

To Top