National News
Presyo ng bigas, inaasahang babalik sa normal sa mga susunod na linggo – DA
Inaasahang babalik sa normal ang presyo ng bigas sa mga susunod na linggo, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Paliwanag ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na nagsimula na kasi ang peak ng harvest season ng palay noong huling linggo ng Agosto.
Ani de Mesa na sa susunod na 2 linggo, mararamdaman na ang pagdami ng locally produced na bigas sa merkado at inaasahan na magiging normal ang presyo ng bigas hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.
Inaasahan aniya na sa taong ito ay tinatayang aabot sa 13 – 14-M metrikong tonelada (MT) ng bigas ang mapoproduce sa bansa.
