National News
Presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado, binabantayan ngayon ng DA dahil sa inaasahang pagtaas
Nakatutok ngayon ang Department of Agriculture (DA) sa presyo ng bigas sa world market.
Sa isang pahayag, nababahala ang tanggapan ng Rice Industry Development ng ahensya sa unti-unting pagtaas na naman ng presyo ng bigas.
Partikular na tinukoy ang Vietnam at Thailand na kaparehong pinagkukunan ng imported na bigas ng bansa.
Kung kayat, isa kanilang nakikitang solusyon ay ang pag-angkat muna ng non-basmati rice sa Indian.
Bagamat nagpatupad kasi ito ng ban sa importation ay nagkaroon naman ng government to government na kasunduan para makapag-angkat pa rin ang Pilipinas ng bigas.
Nakatakdang dumating ngayong buwan ng Disyembre ang inangkat na bigas sa India.
Punto ng DA, mahalaga na matiyak ang kasapatan sa suplay ng bigas upang hindi maapektuhan ang presyo nito sa pamilihan.