Connect with us

Presyo ng bigas, tumaas ng hanggang ₱5 kada kilo

Bahagyang tumaas ang presyo ng bigas sa buong Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.Batay sa pinakahuling datos ng price monitoring ng DA,

National News

Presyo ng bigas, tumaas ng hanggang ₱5 kada kilo

Bahagyang tumaas ang presyo ng bigas sa buong Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng price monitoring ng Department of Agriculture (DA), tumaas ang kada kilo ng bigas mula ₱2 hanggang ₱5.

Para sa imported commercial rice, ang special ay mabibili na mula ₱50 hanggang ₱58, ang premium ay ₱43 hanggang ₱52 habang ang well-milled ay aabot ng ₱40 hanggang ₱46 at ang regular milled ay nasa ₱37-₱44.

Sa local commercial rice naman, ang special ay nagkakahalaga na mula ₱48 hanggang ₱60, ang premium ay ₱42 hanggang ₱49, at ang well-milled ay nasa ₱38 hanggang ₱46; at ₱34-₱40 sa regular milled.

Samantala, sinabi ni grupong samahang industriya ng agrikultura o Sinag President Rosendo So na nakakaranas din ng pagtaas ng presyo ng bigas ay ang bansang Thailand, Pakistan, Vietnam at India.

Ang mataas na presyo ng pataba at langis ang siyang pangunahing dahilan nito.

More in National News

Latest News

To Top