National News
Presyo ng bulaklak sa Dangwa, tumaas ngayong papalapit na ang araw ng mga puso
Higit pa sa doble ang presyo ng mga bulaklak ngayon sa dangwa sa lungsod ng Maynila, isang linggo bago ang Valentine’s Day.
Sa ngayon, ang isang bouquet ng pulang rosas ay umabot na sa halagang P1,300 ‘di hamak na mas mataas sa dati nitong presyo na P500-P600.
Samantala, aabot naman sa P1,000 ang presyo ng isang dosenang rosas na dati ay nasa P300-P400 lamang.
Tumaas din ang presyo ng kulay pink na rosas na umabot sa ngayon sa halaang P900 ang kada bouquet mula sa dating presyo na P300-400.
Ang presyo naman ng sunflower ay naglalaro sa P600-P700 kada bouquet mula dating presyo na P500.
Paliwanag naman ng mga nagtitinda ng bulaklak, mataas ang kanilang presyuhan ngayon dahil na rin sa mataas na presyo ng mga bulaklak mula sa kanilang mga supplier.
