Connect with us

Presyo ng galunggong, tumaas; Bentahan ng karneng baboy, matumal

Presyo ng galunggong, tumaas; Bentahan ng karneng baboy, matumal

National News

Presyo ng galunggong, tumaas; Bentahan ng karneng baboy, matumal

Ang mga retailer sa mga palengke sa Metro Manila, tulad ng Kaunlaran Market sa Quezon City, ay patuloy na nakakaranas ng epekto ng mataas na presyo ng isda, lalo na ng galunggong, na isang pangunahing pagkain tuwing Semana Santa.

Ayon kay Ate Rosemarie, tumaas ang presyo ng galunggong mula P150 per kilo, umabot na ito sa P250 – P300, kaya’t nahirapan ang mga mamimili.

Dahil dito, nagpapatuloy ang matumal na bentahan ng isda at karneng baboy sa ilang palengke.

Maging si Aling Rosalie, na nagbawas ng suplay ng karneng baboy, ay nakaranas ng matinding pagbaba ng benta dahil sa mataas na presyo at ang mas pinipiling isda ng mga tao.

Kasabay ng sitwasyong ito, nagsagawa na ng mahigpit na monitoring ang Department of Agriculture (DA) sa mga palengke upang tiyakin na sumusunod ang mga retailer sa itinakdang Maximum Suggested Retail Price (SRP) para sa karneng baboy.

More in National News

Latest News

To Top