National News
Presyo ng harina sa bansa, tumaas
Inihayag ng flour millers kung bakit tumaas ang presyo ng kanilang ibinebentang harina.
Ayon kay Ric Pinca, executive director ng Philippine Association of Flour Masters Incorporated, apektado ang presyuhan sa nagpapatuloy na giyera sa Ukraine at Russia; at Western Trade Ban.
Panahon rin aniya ng tagtuyot ngayon sa pinag-aangkatan ng trigo sa bansang India, France, Australia, United States of America at iba pa.
Kasama din sa pagtataas ang delivery cost na P50 sa bawat sako ng harina.
Sa ngayon, nasa P900 – P1000 ang benta ng flour millers sa mga distributors.
Tumaas ito ng P200 sa bawat 25 kilo kumpara sa mga nagdaang buwan na nasa P860 lamang.
Ikinababahala din ng PAFMI na posibleng tumaas pa ang presyo ng harina ngunit tiniyak na hindi magkukulang ang suplay para dito.
Mababatid na isa ang Pilipinas na 100% umaangkat ng trigo sa ibang bansa.