Connect with us

Presyo ng kamatis, tumaas dahil sa kakulangan ng suplay – DA

Presyo ng kamatis, tumaas dahil sa kakulangan ng suplay – DA

National News

Presyo ng kamatis, tumaas dahil sa kakulangan ng suplay – DA

Pinaka-pangunahing sangkap sa maraming putahe ang kamatis.

Ito ay hindi lamang nag bibigay ng natatanging lasa, kundi mayaman din ito sa nutrisyon.

Pero, ang pag gamit sa naturang sangkap, posibleng maapektuhann gayong tumaas ang presyo nito sa merkado.

Base sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA),naglalaro na sa P120 – P180 ang presyo ng 1kilo ng kamatis sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Ayon sa DA, malaking factor ng pagtaas sa presyo ng kamatis ngayon ay dahil sa sunod-sunod na pag-uulan.

Ani Asec. Arnel De Mesa, “Ngayon kasi nag-uulan medyo mahal talaga ang kamatis kapag wet season o tag-ulan. Murang mura ang kamatis kapag tag-araw. May kaunti na nag delay ‘yung harvest kagaya doon sa Norte pero doon sa ibang areas sa Central at Southern Luzon ay okay naman.”

Sinabi pa ng DA na asahan na bababa ang presyo ng kamatis sa mga susunod na linggo kasunod ng pagdating ng bulto-bultong lokal na suplay sa pamilihan.

More in National News

Latest News

To Top