Metro News
Presyo ng LPG at auto-LPG, natapyasan
Nagpatupad ngayong araw ng malakihang bawas-presyo sa liquified petroleum gas (LPG) at auto-LPG ang ilang kumpanya ng langis.
Simula kaninang hatinggabi, nabawasan ng P3.90 ang presyo ng kada kilo ng LPG ng Petron at Phoenix LPG Phils.,Inc.
Katumbas ito ng P42.90 na tapyas sa kada 11 kilo na regular na tangke.
Habang P2.20 ang bawas-presyo sa kada litro ng auto-LPG.
Ang kumpanyang Solane ay may bawas-presyo naman na P3.49 sa LPG o katumbas ng P38.39 na bawas-presyo sa regular na tangke na epektibo simula kaninang 6:00 ng umaga.
Ang naturang oil price rollback ay repleksyon ng international contract price nito para sa buwan ng Marso.